Wednesday, June 9, 2021

Pitong araw sa gubat ng Sierra Madre

 


Pitong araw po naming nilakad ang bundok ng Sierra Madre hanggang makarating kami ng Divilacan, Isabela. Jump off namin, Sindon Bayabo, Ilagan, IsabelaSeptember 2, 2011; 7:30am.


Binabagtas namin ang tropical rain forest ng
 Sierra Madre sa pamamagitan ng aming mga paa. Nariyang malusob ang aming mga sapatos sa putik; matisod, madapa at mabasa sa mga mabatong sapa; aakyat ng bangin; gayundin tatawid sa isang madulas na troso.





Hindi na inaalintana ang mga lintang kakapit sa aming mga binti. Pag nabusog ang mga linta sa mga dugo ng aming mga paa at binti ay kusa na lamang itong aalis. Ang mga linta nga pala, sabi ni Sir Banjo ay isang natural indicator na isang parte ng rainforest ay undisturbed.



Sa gitna ng kabundukan, naubusan po kami ng bigas at baong sardinas. Kaya nagkasya na lang kami sa mga halamang gubat kagaya ng dahon ng ferns, prutas ng rattan, at mga saging at mga kuhang isda ng mga katutubong Agta mula sa mga sapa ng kagubatan. Isang buong araw na laman ng aming tiyan ay nilagang saging lamang.

Malaki ang naitulong ng mga porter or guide naming mga Agta na sina kuya Noni, Weasly, Ate Merly at mga kasama dahil kabisado nila ang kabundukan at mahusay silang maghanap ng aming makakain. Napakagaling manisid ng isdang “igat” si Mang Noni at si Kapitan, kung kaya’t wala man kaming bigas ay masarap naman na isdang igat ang aming ulam. Si Kapitan, binalewala ang kagat ng mga bubuyog ng kagubatan, makuha lamang ang honeybee bilang aming merienda.

Nariyang matutulog kami sa gitna ng kagubatan gamit ang aming mga tent na dala sa mga batuhan, sa gilid ng ilog, sa mga tablang naiiwan mula sa mga old logging ng mga nagdaang taon.


Si Blackie nga pala, ang kasama naming aso, pero tawag ko sa kanya Lyka. Perhaps Blackie was the first dog to traverse Ilagan to Diviacan. Bilib ako sa stamina ng asong iyon, kahit nataga ang kanyang likod noong minsang nilinisan ni Mang Noni ang aming daanan, ay kaya pa rin nya. May kasamahan kaming nagsabing pupulutanin na lang si Blackie noong wala na kaming makain, pero marami ang tumutol.


Sina Kuya Rusell nga pala at Kuya Walter, ang dalawang engineer na Global Positioning System (GPS) master, sila po nag-encourage sa akin na ipagpapatuloy ang paglalakad. Muntik nga po kasi ako sumuko sa pangalawang araw ng trekking, thanks Kuya Rusell and Kuya Walter.


Sir Banjo, thanks sa mga inputs at insights na ibinahagi mo sa amin. Si Sir Banjo ang spokesman ng grupo. Kahit pagod, he never tired of speaking I mean sharing with us –  sa kanyang mga nalalaman tungkol sa environmental protection lalo na yong palagi niyang sinasabing batas – ang Republic Act 1586 – Phil Environment Impact Assessment System. Taga DENR kasi siya. 


And foremost to Kevin, hehehe, siya talaga ang atat na atat sa experience na ito, kasi ayaw ko talaga kasi alam ko ang hirap sa ganitong trekking. Kevin, we made it!


Alam kong bihira ng maulit ang ganitong yugto sa aking buhay, at ngayon pa lamang nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng pribileheyo na maranasan ang ganito.

All 7-days we had to commune with nature. Sabi nga ng taga DENR naming kasama na si Sir Banjo, we had to walk in congruent with nature. Dapat synchronize ang aming mga hakbang sa kalikasan, otherwise matitisod, madadapa o mahuhulog sa bangin ang sinumang lalabag sa laws of nature.





No comments:

Post a Comment

The Magnitude of Value Within Shrinking Circles

In the intricate tapestry of life, we find ourselves navigating through a myriad of relationships, some fleeting and ephemeral, while other...