My first time to write a poem in Filipino with current social theme. Don't even know how to rhyme Tagalog words. Tagawin na lang natin itong ᴘʀᴏsᴛʀʏ, (collab ni prose at poetry), haha.. Libre manlait
𝑺𝒂 𝑰𝒏𝒇𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒔𝒖𝒔𝒖𝒌𝒐
Na nagpapahirap sa bayan
Inflation, walang tigil na galaw
Hirap bang magpatuloy o sumuko na lang?
Ang taas ng presyo ng bilihin
Laging umaakyat nang walang hinto
Ang bulsa'y sumisikip, di makahinga
Pumipitik ang dugo sa bawat sentimo
Ang magsasaka'y umaaray sa lupang tuyo
Nagiging alipin ng kahirapan at gutom
Kaya't sila'y nagtatanong sa langit
Sumuko na ba't wag nang magsikap pa?
Ngunit sa gitna ng kawalan at hirap
Tayo'y Pilipino, di tayo susuko
Hinubog ng pagsubok ang ating lakas
Lalaban tayo, hindi mawawala ang pag-asa
Tara't ating isipin ang bayan
Kapwa Pilipino, tulungan natin
Magbayanihan, sama-sama tayo
Harapin ang inflation, wag sumuko't magpatinag
Sa pagtitipid, maghanap ng solusyon
Hanapbuhayin ang sariling produksyon
Magtanim, mag-ani, magtayo ng negosyo
Pag-aralan at pag-isipan ang ekonomiya
Sa pamamagitan ng edukasyon
Tayo'y magiging handa sa hamon
Unawain ang mga batas at polisiya
Makiisa sa pagbabago, magbuklod-tinig
Nasa kamay natin ang pag-asa
Huwag hayaang malunod sa takot at alinlangan
Itayo ang ating mga pangarap
Sapagkat ang Pilipino, di sumusuko sa hamon
No comments:
Post a Comment