SPOILERS ahead: Ingat...
Of all the twists and turns of the first Summer MMFF best picture, psychological drama ABOUT US, BUT NOT ABOUT US, a conversational film, involving a prof and a student, setting in a restaurant somewhere in Bonifacio Global City, with a table and a chair at yung waiter.... Yun lang. Akala ko yung kay Tom Hanks film na Cast Away lang ang may limited human characters, ito din pala. Akala ko makatulog ako sa 1.5 hours na dalawa lang ang nag-uusap all throughout, hehe pero fully awake naman ako till the movie credits roll.
Ito lang ang take-away ko. Very intellectual ang conversations ng dalawang characters. Pero merong hindi malinaw sa akin.... Although this is part fiction at part hugot sa totoong buhay, ayon sa pag-amin ng writer, pero may gumugulo sa akin...Feeling ko walang na-resolve sa pag-uusap nila, or did I miss something?
Nakapagpagabagang... nakapagpagabagyag what's that?, Basta it bothered me itong the coming forth of the Filipino novel na "TEORYA NG MGA TANONG" na originally written by Marcus, pero napasakamay ngayon kay Lance because itong si Marcus, UP Literature prof and acclaimed Filipino writer ng mga English novels, ay isa ding psycho - meaning kapag nalasing ay iba ang ginagawa, physically brutal at nasaktan nya physically si Lance isang gabi na naabutan niya sa condo si Lance. Ang condo kung saan dito pinatira ni sir Eric si Lance dahil physically-abused sa kanyang tatay, kaya tinulungan siya ni sir Eric. Ito ding condo na ito ay dito nakaimbak ang lahat ng mga novels ni Marcus. Nakapasok si Marcus dahil boyfriend niya si sir Eric at may susi siya dito. Dito rin nag-suicide si Marcus.
Para hindi magsumbong si Lance sa mga authorities, yung unpublished Filipino novel ni Marcus ang pinili ni Lance bilang kapalit. In e-form na pwedeng ma-edit ang pinadala through e-mail, kasi sinunog na lahat ni sir Eric ang written manuscript nito.
Take note, hindi pa nakapag-publish ng Filipino novel itong si Marcus, the Nick Joaquin of his generation (in the film). At itong novel na ito, ayon kay sir Eric ay umiikot o sumasalamin sa totoong buhay nilang tatlo - kay Eric, kay Marcus at kay Lance. Pinalitan lang ang name ng fictional characters. At ayaw ni sir Eric na mapublish ito.
Dito umiikot ang climax ng film, the father figure, ang Lit. prof na si Eric dito na nag-shift ng character. Hindi na sya composed. Panoorin nyo na lang po para mas maintindihan... hanggang next week na lang ang screening.
To justify, from an English literature department, plano ni Lancelot na mag-shift sa Filipino department under Malikhaing Pagsusulat. At nagkataon pa towards the ending that the dean of Literature Dept ng UP ay pumunta sa restaurant at pinakita ni Lance ang Filipino novel manuscript which he said he is the author, at nag-shift na siya sa Malikhaing Pagsusulat, and his mentor as si Sir Eric.
Art that is stolen, kahit magbibigay acclaims ito sa nagnakaw ng art, maging masaya kaya siya? Hindi naman niya genre ang art na yun? Pinalitan lang niya sa kanyang pangalan.
Isa pa, baka hindi ako makatulog - sa ending, makikita si sir Eric na nagtetext kay Lance,,,, ano kaya yung tini-text nya, hindi na ipinakita,.,.. then umiikot na yung credits,,, end na ...
Hanging.... ano yun? yung mga manonood ang mag-formulate ng ending? hahaha...
Wait lang, sakaling ma-publish ang novel, sino ang totoong author - si Marcus ba na hindi pa hindi pa nakapag publish ng Filpino novel pero patay naman na - or si Lance? Naalala ko tuloy kung sino tunay na nagmamay-ari ng elder wand, sa Harry Potter... But that's another story!
Pero para sa akin, go ahead Lancelot, publish it! According to sa na-marites ko sa pag-uusap nila ni sir Eric at Lance, sa 17 years in relationship nila sir Eric at Prof Marcus ay todo-suporta si Eric kay Marcus pero parang wala ito kay Marcus dahil super busy ito sa kanyang mga novels - "na kahit isang flower ay hindi sya niregaluhan" nito, parang unrequited love ba, hindi nasusuklian Sabi nga ni Lance, parang makaka-avenge na si sir Eric kay Marcus dahil dito - by publishing it- kasi at the end, lalabas naman na siya ang mentor ni Lance. Feeling ko in-,love na rin si Lance kay sir Eric, despite sa lahat na pinagdaanan niya ... from sexually abused by a priest when he was 10 years old, to online seller of masturbation videos. Ayaw na niyang maging predator or worse, a monster. In fact, sir Eric lang nakakapag delete sa kanya ng kanyang alter account on twitter.
But just the same, it's a 10 stars for me, of course....May part doon na umiyak at humikbi talaga si Romnick bilang si sir Eric, best actor talaga At si Elijah kinakarer at sumasabay sa aktingan. Yung camera angles naman , lalo na mga shifting from Romnick to Elijah, champion talaga sa pagcapture ng emotions. Hindi naman ako naiyak sa movie. Nganga lang dahil stressful pala panoorin ang confrontational-conversational na film. Malalim - you can either sink or swim .. In my case, I float hahaha....
PS: Gusto ko aralin paano lutuin ang eggs benedict at gusto ko na rin yung apple pie ng McDo.
No comments:
Post a Comment